News

AI sa Pananaliksik: MAEd-Fil learners, handa sa hinaharap ng akademikong pagsulat

Pinatunayan ng mga gradwadong mag-aaral sa Master ng Sining sa Edukasyon medyor sa Filipino (MAEd- Fil) na kaakibat ng makabagong teknolohiya ang mas makabuluhang pananaliksik! Sa palihang “Teknolohiya at Artificial Intelligence: Mga Praktikal na Pamamaraan sa Pagsulat ng Kaugnay na Pag-aaral sa Layuning Publikasyon at Pagsulat ng Tesis,” masiglang nagpalitan ng diskurso ang mga mag-aaral ukol sa makabagong gamit ng AI sa pananaliksik at publikasyon. Layon ng gawain na palalimin ang kaalaman at kamalayan sa epektibong paggamit ng AI para sa mas mahusay na akademikong pagsulat.
Isinagawa ang palihan noong Ika-10 ng Mayo taong 2025 sa ganap na 8:30-12:00 n.h sa College of Engineering and Architecture mini-amphitheater.
Higit na pinasasalamatan si Prof. Aeron James R. De Leon sa pagbabahagi ng malawak at makabuluhang kaalaman bilang pangunahing tagapagsalita.
𝘚𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘪 𝘔𝘴. 𝘑𝘦𝘢𝘯 𝘋. 𝘋𝘢𝘵𝘶𝘪𝘯
𝘓𝘢𝘺𝘰𝘶𝘵 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘚𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭 𝘰𝘧 𝘈𝘥𝘷𝘢𝘯𝘤𝘦𝘥 𝘚𝘵𝘶𝘥𝘪𝘦𝘴

Related News