Welcome Louisians, Guests!

Login | Register

News and Announcements

Stay up to date on everything happening in and around school

Tuloy ang Pagdiriwang ng Sining: Isang Pag-Anyaya

John Lester Fontanos

February 17, 2021
Luwisyano, hanggang saan ka dadalhin ng iyong PAGMAMAHAL, sa KAPWA, sa SINING at sa BAYAN?
Inihahandog ng SLC Samtoy Dance Troupe at Louisian Theatre Ensemble,
Ang sampung iba't-ibang pagtatanghal na naglalayong ipakita ang magkabilang MUKHA NG PAG-IBIG. Kasabay sa pagdiriwang ng 2021 National Arts Month, tunghayan, saksihan at mahulog sa SINING ng PAGTINDIG, mula sa indayog, musika at pagtatanghal.
Ito ang PARALUMAN: Pag-ibig sa Unang Tindig
Ang PAGMAMAHAL ay hindi naka-kahon sa iisang mukha lamang, bagkus ito'y bumubukal sa ating mga puso at malayang lalagaslas at dadaloy sa iba't ibang porma at kamalayan, na kalaunan ay siyang didilig sa ating mga mithiin at layunin.
Sabay-sabay tayong MAGMAHALAN sa ika-25 at 26 ng Pebrero, 2021, ganap na alas singko ng hapon.
Muli't muli,
Para sa Diyos at Lupang Hinirang??
 
To get updates from SLC Samtoy Dance Troupe and Louisian Theater Ensemble, like and follow their official FB accounts: